Lit Majors Nga Naman

CHARACTER:
     MADAME X (MANGHUHULA)
     JOANIE (CREATIVE WRITING STUDENT)
TAGPUAN: MALIIT NA SILID SA QUIAPO
Pag-taas ng telon, makikita ang lamesa’t dalawang upuaan kung saan nakaupo si MADAME X at JOANIE. Sa daloy ng dula, si MADAME X ay bubunot sa kanyang deck of tarot cards at huhulaan niya si JOANIE.
MADAME X
Three of Cups.
JOANIE
Ano ‘to? Mukhang masaya.
MADAME X
Masaya nga. Ika’y nakapunta sa isang party na kung saan maraming tao. Doon, may natipuan ka. Siya ang mapapangasawa mo.
JOANIE
But...hindi po ako nakapunta sa ano mang party recently. I’m a very busy lit student.
MADAME X
Isipin mong maigi.
JOANIE
Wala. Wala akong social life. Mgayon lang nga ako napadpad dito.
MADAME X
Tingnan na lang natin ang susunod na baraha. Lovers! Magkakaboypren ka na!
JOANIE
Excuse me, I’m a lesbian.
MADAME X
Ha?
JOANIE
Babae po trip ko.
MADAME X
Ah, eh ‘di magkaka-gurlpre - asaw - kung ano man ang tawag sa inyo.
JOANIE
I’m not interested in love right now. Besdies, hindi ba duality of man ang ibig sabihin nito?
MADAME X
Aba, ewan. Alam ko lang, pag-ibig ‘to. Next. 10 of swords. Sasakit ulo mo.
JOANIE
Wow. Sakto. Sumasakit na ulo ko.
MADAME X
Five of pentacles. May manloloko sa ‘yo sa pera.
JOANIE
Swak na swak ka ate. Pero enjoy naman ako dito.
MADAME X
Ito o. Goals. Ace of Wands. Gusto mo ng panibagong ideya.
JOANIE
Napaka-concrete mo, ate. Syempre goal ko magkaroon ng bagong idea. Nagtetesis ako, hello.
MADAME X
O, e ‘di tama.
JOANIE
E, anong ‘ung idea?
MADAME X
King of Cups. Lalakeng iibigin.
JOANIE
Diyos ko, ate.
MADAME X
Magiisip ka magbalik-luob. Layunin mo magkaroon ng asawa.
JOANIE
Yeah, kasi cock is so fucking yummy.
MADAME X
Ha?
JOANIE
Wala, wala.
MADAME X
Okay ka pa ba?
JOANIE
Sakto lang. Nandito ako para mag-enjoy.
MADAME X
Next card. Death.
JOANIE
Mamamatay ako?
MADAME X
Mag-ingat ka.
JOANIE
Ate, Death in the tarot does not mean physical death. It’s about change, emotional or whatever.
MADAME X
Mas magaling ka pa sa akin?
JOANIE
I don’t wanna brag.
MADAME X
Hulaan mo kaya sarili mo?
JOANIE
Wala, e, nagbayad na ako. O, next card?
MADAME X
Wheel of Fortune. Reversed.
JOANIE
Swerte ako?
MADAME X
Hindi. Ibig sabihin niyan gulong. Mag-ingat ka sa mga kotse.
JOANIE
Ate, sobra na ha. May nakalagay na ngang ‘of fortune,’ eh ‘wheel’ lang nakita 
MADAME X
Reversed. Masamang palad.
JOANIE
Ate, the wheel of fortune is a classical trope in literature.
MADAME X
Basta, mag-ingat ka.
JOANIE
Hay naku, ate. I have to go na. Sumasakit lang ulo ko. Nakakaloka.
Aalis si JOANIE. Maya-maya may maririnig na busina, tinig ng kotse na pumepreno at ang malakas na sigaw ni JOANIE. Lights will fade out kay MADAME X na dahan-dahang inaayos ang baraha.
Advertisements