H (Writing Challenge Day 18)

Filipino naman para maiba. This is an excerpt of a play I’m working on entitled Magkano. This is a major revision I’ve added for today.

 

RICK

Ano ba tunay mong pangalan?

JOE

Dagdag bayad ‘yan.

RICK

Walang ganyanan!

JOE

Joe.

RICK

Bullshit.

JOE

(maglalabas ID)

Isaksak mo sa pwet mo. Naisip ko nang magpalit ng pangalan dati. Kaya lang, gusto ko naman ang pangalan ko. Joe. Maikli, simple. Pang-foreigner pa! Pero pag Kano tinitira ko, ako si Julio o Juan o Pepe! Exotic daw. Kagaguhan.

RICK

(iinom)

Hindi ka kasi mukhang ‘Joe.’

JOE

May kaibigan akong callboy, doon siya sa mga tea house tumatambay para sa mga taong nagpapaka-British. Pangalan niya Mark. Ang spelling M-H-A-H-R-H-K-H.

RICK

Mhahrhkh.

JOE

Hindi kapital ang ‘Mark.’ ‘Yung mga ‘H’ lang ang kapital.

 

——–

If you like it, I do hope you get to see the real work. I’ll be doing a production of this play this October 1. Manuod kayo, swear, masaya ‘to.

Advertisements