Public CR (Writing Challenge Day 19)
(halaw sa isang linya ng tulang ‘INERTIA’ ng kaklase ko sa CW120)
Nasa public CR si Mike. Katok. Bubuksan ni Mike ang pinto. Nandoon si James.
MIKE
What?
JAMES
(ngingiti)
Hi.
MIKE
(titingnan ng maigi si James)
Ayoko.
JAMES
(ngumingiti pa rin)
Tara.
MIKE
‘Di ako pumapatol sa mga ganito.
JAMES
Ako rin. First time ko.
MIKE
Tol, please, huwag.
JAMES
Tara na.
MIKE
Pagod ako.
JAMES
Mabilis lang ‘to.
Mabilis lang ‘to.
MIKE
Maririnig tayo sa labas.
JAMES
Kagatin mo kamay ko para ‘di ka sumigaw.
MIKE
Sa hindi nga kita type?
(beat)
Sorry.
JAMES
(tatawa)
Sa tingin mo type kita?
MIKE
Well…oo.
JAMES
Ganda mo.
MIKE
Kulit mo kasi.
JAMES
Libog e.
MIKE
Libog lang ako?
JAMES
Hindi kita liligawan ng bulaklak pagkatapos.
MIKE
Mukha ba akong pumapatol sa mga ganito?
JAMES
Ganyan naman lahat. Paimportante ka.
(tangkang aalis)
MIKE
Sandali.
(beat)
Gwapo ba ako?
JAMES
Sakto.
MIKE
Ibig sabihin pangit.
JAMES
Hindi ko sinabi –
MIKE
Akala ko sinundan mo ako dito dahil gwapo ako. Oo, nakikita kita sa kabilang lamesa habang umiinom. Tinitingnan mo ako.
JAMES
Tumingin ako kasi tumitingin ka.
MIKE
Gago, ikaw kaya una.
JAMES
Asa ka.
MIKE
Tapos sinundan mo ako dito ‘di dahil gwapo ako pero dahil para sa ‘yo malibog ako.
JAMES
Ang gusto mo atang marining nang nakita kita biglang lumiwanag at may hangin sa buhok ko. Wala e. Pasensya, kakapaklbo ko lang.
MIKE
Bagay sa ‘yo. Nahihiya akong lumapit sa lamesa niyo.
JAMES
Sus. Gusto mo naman pala, pakipot ka pa kanina.
MIKE
Siyempre. I know I’m worth it.
JAMES
Akala mo naman kung sino kang ispesyal.
MIKE
Tara.
JAMES
Ano?
MIKE
(iooff ang ilaw)
Sa dilim, magpanggap tayo.