Bayad (part 1)

Disclaimer: Ang “Bayad” ay laro ko lamang sa konsepto ng paggawa ng pangalawang dula sa Magkano . Ito ay magaganap limang taon makalipas ang Magkano. Nais ko lang ipahayag na, bilang laro, kapag inupuan ko na ang dulang ito nang masinsinan, maaaring magbago pa ito. Comments and notes would be HIGHLY appreciated. Parang Magkano rin, kailangan na kailangan kong sabihin na HINDI PO ITO BASE SA MGA KARANASAN KO, HINDI ITO PANTASYA KO, HINDI PO ITO GALING SA KUNG SINONG LALAKING MAARING NAKATALIK KO KANINA KUNG SAAN NAGRERUN AKO NG MASESELANG BAHAGI MULA SA MAGKANO.  

BAYAD

Sa pagtaas ng telon, makikita si Rick sa loob ng isang kwarto ng motel. Ang kwartong ‘yun ay kaparehas ng kwarto kung saan sila nagkita limang taong makalipas sa Magkano. Katok. Hindi ito papansinin ni Rick. Katok. Bubukas ang pinto at papasok si Joe.

RICK: You’re late.

JOE: Sorry, Rick. Antagal nung bus, traffic sa EDSA. (ilalatag ang bag sa sahig) O, ba’t nakabihis pa kayo? Hindi pa kayo handa, alam niyo naman darating ako rito para lang sa ‘yo.

RICK: Sandali lang, tumawag ako ng room service. Beer at bucket ng yelo.

JOE: Tara na.

RICK: Nagmamadali ka. (beat) May customer ka mamaya?

JOE: Wala.

RICK: Kasi isang customer ka lang gabi-gabi?

JOE: Sa pagkatagal-tagal nating magkasama, customer pa ba tingin ko sa ‘yo?

RICK: May kikitain ka?

JOE: Meron.

RICK: Girlfriend mo.

JOE: Hindi.

RICK: Sinungaling.

JOE: Rick, naman, ‘wag ka nang mag-tampo. Hindi siya ang kikitain ko. (Beat) Selos ka, e, wala nga akong reklamo diyan sa Simon mo.

RICK: Panandalian lang si Simon.

JOE: Sinabi mo rin ‘yan nung nakaraang buwan.

RICK: Binabago mo ang usapan. Sinong kikitain mo? ‘Tang ina, client ‘yan, ‘no? Pagkatapos natin magkantutan ngayon, titira ka ng bakla.

JOE: Wala akong booking ngayon.

RICK: Kelan huli?

JOE: Kahapon. ‘Tang ina. Irish couple, mag-asawa. Nakaka-bago nga, akalain ko ang mga humahanap ng threesome, babae ang gusto.

RICK: ‘Yung lalaki pinapanuod habang tinitira mo asawa niya?

JOE: Gago. (Beat) Sinabay ko sila.

RICK: Sino ngang kikitain mo?

JOE: Friend.

RICK: Friend. Sa limang taong nating magkakilala, wala kang friend. Buddy meron — fuck buddy, ‘yun lang.

JOE: Nakakasakit naman ‘yan ng pakiramdam. Madami akong friends.

RICK: (after a pause) Si Joshua? (katahimikan) ‘Tang ina, si Joshua, ipagpapalit mo ako kay Joshua.

JOE: Hindi. Happy lang.

RICK: Kaya mo ako kinita ngayon? Kasi kailangan mo ng pera pambayad kay Joshua.

JOE: Hindi, gusto talaga kitang makita.

RICK: Kilala ko na mga kasinungalingan mo.

JOE: Hindi nga, tagal na natin ‘to na-set —

RICK: Bullshit. Hindi mo kailangan ng pera?

JOE: Uhm —

RICK: Sabi na nga ba. (beat) Akala ko ba, libre ‘pag tayong dalawa.

JOE: Hindi ‘to bayad. (beat) Utang.

RICK: Mga utang na ‘yan. Alam naman nating di mo ‘yan babayaran.

JOE: Magbabayad ako. May interes. Doble, triple.

RICK: Hindi ko kasi alam kung bakit mo pa kailangang mag-tricycle sa liblib ng Quezon Ave para makipagmeet sa Joshuang ‘yan.

JOE: Hindi mo kasi naintindihan si Joshua.

RICK: Dealer siya. What’s more to know?

JOE: Sa trabahong ‘to, libong lalaki na nakilala ko. Pari, actor, senador, playwright. Sa totoo lang, marami akong natututunan kay Joshua. Hindi mo kasi naintindihan. Biktima siya ng kanyang kalagayan —

RICK: Fuck that. Pakealam ko kay Joshua.

JOE: Wala ka palang pakialam kay Joshua.

RICK: Sa ‘yo mayroon.

JOE: Rick, alam kong susunod mong sasabihin – hindi ako adik. Kailangan ko lang nang pangpasaya paminsan-minsan.

RICK: Hindi pa sapat ang sex mo araw-araw?

JOE: Sabi kasi ng bugaw ko, iexpand ko daw ‘yung market ko. E dati, kahit papano, napipili ko mga lalaki ko. May itsura. E ngayon, ‘tang ina. Chubs! Effems! Matrona! ‘Tang ina, kailangan ko ng shaboo.

RICK: Kung miserable ka na sa trabaho mo, quit. ‘Di ba, you’re not in it for the money?

JOE: Wala na akong ibang alam gawin.

RICK: (beat) Ilan kailangan mo?

JOE: Kahit 300 to 500 lang. 300, kulang pa ‘yan bitin. 500 medyo okay na. Pero kung pwede sana, mga isang libo, dalawa.

RICK: ‘Tang ina, tingin mo sa akin jumajakol ng pera?

JOE: Mayaman naman kayo. Babayaran ko ‘to. Marami akong booking next week.

RICK: Wala nga akong datung. Sinusuportahan ko si Simon dun sa kanyang putang inang art gallery.

JOE: Sa art gallery may pera, sa kaibigan wala.

RICK: Sa boyfriend may pera, sa kerida wala.

JOE: Kerida? (tatawa) Sige na, barya lang ‘yan sa ‘yo.

RICK: Wala akong dalang pera ngayon.

JOE: Wala ka bang ATM? O kaya mauutangan? Sige na, o. Linilibre na nga kita, ‘tang ina, mga pamasahe ko papunta dito, aabot ‘yun ng ilan a.

RICK: Ginusto mo naman ang pagpunta dito.

JOE: Talaga?

RICK: ‘Tang ina. Sino kaya ‘yung malanding text ng text?

JOE: Ikaw!

RICK: Puta ka. Ikaw kaya.

JOE: (maglalabas ng phone, magbabasa) “Joe, saan ka? Kita tayo please. Sad face. Nag-away kami ni Sym. Crying face.”

RICK: Feeling mo ikaw lang may ganyan. (maglalabas ng phone) Mukhang na-erase ko na.

JOE: Tara na. Dalawang libo.

RICK: Sosyal ka. Kung meron man, tatlong daan.

JOE: Tara na, Rick. Papasiyahin naman kita.

RICK: Naka-shaboo ka ba ngayon?

JOE: Medyo.

RICK: Puta ka. Callboy ka pa nga rin, binabayaran ko lang shaboo mo.

JOE: Isipin mo, pinapasaya naman kita.

RICK: May Simon ako.

JOE: Kung may Simon ka, bakit nandito ka?

RICK: (pause) Still, masyadong mataas ang dalawang libo.

JOE: Sige, sige. Isang libo.

RICK: Tatlong daan.

JOE: Isang libo na, sir.

RICK: Puta ka, nagawa na natin ‘yan. Nasa sequel na po tayo ngayon. (JOKE LANG TO)

RICK: Alam ko na.

JOE: Ano?

RICK: Sige, bibigay ako. Dalawang libo.

JOE: Talaga, sir — Rick?

RICK: Oo, pero, hindi diretso.

JOE: Ano, kakantutin mo ako, dapat pang dalawang libo ‘yung perpormans ko?

RICK: Hindi. Laro tayo.

JOE: (tatawa) Hindi ko akalaing naglalaro ka rin pala.

RICK: E, mahilig ka sa laro e. Tatalunin kita.

JOE: Kahit ano pang ibato mo sa akin.

RICK: Naaalala mo ba ‘yung ginawa natin five years ago?

JOE: Ay putang ina, ‘yung tinali mo ako?

RICK: Oo.

JOE: Puta, wag!

RICK: Relax. Hindi kita kikilitiin.

JOE: Hindi ako naniniwala sa ‘yo.

RICK: Promise. Swear.

JOE: No.

RICK: Dalawang libo, walang kiliti.

JOE: (pause) Paano ‘yung laro.

RICK: Bibigyan kita ng dalawang libo ngayon. Naka-hundreds ‘to. Lalabas ako ng kwarto para kunin ‘yung inorder ko. (I know, logical fault here — to be revised) Habang wala ako, itago mo ‘yung pera. Iba’t ibang lugar ‘yung paglagyan mo. ‘Yung tipong ‘di ko mahahanap. Tapos pag balik ko, habang nakatali ka, sa loob ng limang minuto, tatangkain kong pilitin kang sabihin mo sa akin kung saan mo itinago. Pag sinabi mo kung saan nakatago, akin na uli ‘yun. Kung ano man ang hindi mo maibalik sa akin, iyo na.

JOE: Pero walang kiliti?

RICK: Walang kiliti. Nasa sequel na tayo. (Again, joke lang to)

JOE: Akin na ‘yung pera.

Mag-aabot si Rick ng dalawang libo na naka-hundreds kay Joe. Aalis siya ng kwarto nang panandalian. Dali-daling itatao ni Joe ang pera, sa bag, sa ref, sa lamesa, sa unan, at kung saan-saan pa. Babalik si Rick may dalang beer at bucket ng yelo.

JOE: Okay na.

RICK: Hubad. Higa.

JOE: (magtatanggal T-shirt at hihiga) Ayoko na.

RICK: (habang itinitali si Joe sa kama) May tiwala ka ba sa akin?

JOE: Wala.

RICK: Na-hurt naman ako. Sa loob ng limang taon.

JOE: (ngingiti) Ganun talaga.

RICK: Sabihin mo kung na saan ‘yung pera!

JOE: Ang dali-dali ng larong ‘to!

RICK: Grabe. Hindi kita pwede kilitiin para masabi mo sa akin kung nasaan ‘yung pera. Ano kayang pwede kong gawin?

JOE: Wala. Patayin mo ako!

RICK: Sigurado ka?

Dahan-dahan kukuha si Rick ng yelo mula sa bucket at ilalagay sa kilikili ni Joe.

———— END PREVIEW ————

Again comments would be highly appreciated.