Haikulang

Haiku Lang

‘Sa, dal’wa’t, tatlo:

Linya ng mga gago,

‘Wari’y mabigat


Hay, Ulan

Naiwang payong,

S’mama sa estranghero:

Napakalandi.


Hi Ko Lang

Binabang sal’min,

Kamot sa kanyang bewang:

Dedmang pagbati.


Hay, Ako Lang

Ayaw mapansin

Ng lalaking mabulbol

Ang aking ngiti


Hay, Kulang

 ‘Di mapipigil

Lalaki sa pagkanta


Aiko Lang

Ang kanyang ‘ngalan

Sabay halik sa pisngi

Type ko ‘ata ‘to.


Hay, Ulang

Tigas sa labas,

Lutong anak ng dagat.

Pinang-date namin.


Ako Ang

‘Di mo pinansin.

Sa kanan ng ‘yong utong

Wala ng libog.


Ako Lang

May pakialam?

Lagay nating dalawa —

Sex lang talaga?


Hike Lang

Akyat pataas:

Sa bundok may engkwentro

Sa tampuhang ‘to


High Ko Lang

Ako na mag-hit!

Paubos na ang MJ,

Wala pang tama


Hail Kulam

Nagkabalikan!

Laking tuwa’t kantutan:

Pansamantala.

Advertisements